-- Advertisements --

Muling nakapulong ni US Secretary of State Antony Blinken si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu.

Ito na ang pang-10 beses na nagka-usap ang dalawa mula noong sumiklab ang kaguluhan.

Nasa Israel kasi si Blinken para hikayatin ang Israel at Hamas na pumayag na ang mga ito sa ceasefire deal.

Layon ngayon ng pagtungo ni Blinken ay i-pressure ang Israel Prime Minister na pumayag na sa ceasefire deal na ang laman ay pagpapalaya sa mga bihag.