-- Advertisements --
Hinikayat ni US Secretary of State Antony Blinken ang lahat ng mga miyembro ng International Criminal Court (ICC) na ipatupad ang arrest warrant laban kay Russian President Vladimir Putin.
Kasunod ito sa paglabas ng ICC ng arrest warrant laban kay Putin dahil sa ‘war crime’ laban sa mga bata ng Ukraine.
Sinabi ni Blinken na nararapat na ang 123 member states ng ICC ay arestuhin na si Putin at ilipat siya sa The Hague para sa pagdinig ng kaso.
Makailang beses na itinanggi ng Russia ang alegasyon ng ICC at sila ay nagmatigas dahil hindi sila miyembro ng ICC.