Hinikayat ni US Secretary of State Antony Blinken si Russian President Vladimir Putin na piliin ang mapayapang daan sa Ukraine.
Isinagawa ni Blinken ang pahayag sa pagbisita nito sa Kyiv, Ukraine bago ang pagtungo sa Russia sa Enero 21.
Dagdag pa nito na umaasa ito na magkaroon ng mapayapang pag-uusap ang Ukraine at Russia subalit nasa kamay pa rin ni Putin ang desisyon.
Nagkaroon ng tension ang dalawang bansa ng maglagay ng ilang libong sundalo ang Russia sa kanilang border na ikinagalit ng US at ilang mga kaalyado nitong bansa.
Iginiit naman ng Russia na may plano silang lumusog sa Ukraine pero hiniling nila ang malawakang garantiya sa seguridad kabilang ang pagbabawal sa Ukraine na sumali sa NATO.
Tiniyak naman ng Ukraine na wala silang plano ng anumang offensive operations laban sa mga pro-Russian separatists na maaaring ikagalit ng Russia.