-- Advertisements --

Masayang ipinamalita ni US Secretary of State Antony Blinken na kanilang napapayag na ang Israel sa proposal na punan ang mga puwang sa ceasefire negotations.

Dagdag pa nito na ang susunod na hakbang ngayon ay ang pagtanggap naman ng Hamas sa nasabing negosasyon na maaring mangyari sa susunod na mga linggo.

Sakaling napapayag na nila ang dalawang panig ay wala ng magiging problema pa sa mga negotiators na ipatupad ang kasunduan.

Giit pa nito na ito na ang maaring huling pagkakataon na makabalik na ang mga bihag at maipatupad na ang ceasefire.

Una rito ay umabot ng tatlong oras ang pulong ni Blinken kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu para hikayatin ito na pumayag na sa nasabing kasunduan.