Inilunsad ng North Korea ang pang-apat nitong weapon test ilang araw lamang kasunod ng pagpapalipad ng bagong hypersonic missile ng bansa.
Iginiit ni Secretary of State Anthony Blinken ang naturang aktibidad ng North korea na lumilikha ng matinding “instability at insecurity.”
Depensa naman ng Pyongyang na kailangan ang naturang mga weapon bilang self-defence ng bansa laban sa aniya’y pagiging double standards ng Amerika at South Korea.
Malinaw naman umano na senyales ito na walang intensiyon ang Pyongyang na ihinto ang ginagawang lantarang weapon development sa kabila ng ipinapataw na sanctions.
Ayon sa report mula sa state news outlet na Korean Central News Agency (KCNA), nagpapakita ng remarkable combat performance ang bagong anti-aircraft missile ng North Korea na mayroong mga makabagong teknolohiya.