-- Advertisements --

Nag-alok si US Secretary of State Antony Blinken ng pakikiramay sa dalawang American teenagers na sinasabing napatay sa West Bank.

Sinabi pa nito na mararapat na magsagawa ng imbestigasyon kung ano ba talaga ang sinapit ng mga biktima.

Una rito ay dalawang 17-anyos na Palestinian American ang napatay ng mga Israeli forces sa West Bank sa loob lamang ng isang buwan.

Bukod pa dito ay isang American na babae ang dinukot ng mga Israeli forces sa bahay nito sa West Bank at kanilang sinaktan at hindi binigyan ng pagkakataon na ito ay mabigyan ng gamot. Mariing pinabulaanan naman ng Israeli forces ang nasabing alegasyon ng biktima.