-- Advertisements --

Nagpaabot ng pakikiramay si US Secretary of State Antony Blinken sa pagkasawi ng dalawang journalist ng FOX News.

Napatay ang 55-anyos Irish national na si Pierre Zakrzewski at 24-anyos Ukrainian na si Oleksandra Kuvshinova ng paulanan ng mga Russian forces ang sasakyan nila sa labas ng Kyiv.

Sinabi ni Blinken na nagpapasalamat siya sa mga sumusugal ng kanilang buhay sa nagaganap na kaguluhan sa Ukraine.

Mariing kinondina rin ng US ang anumang nangyayaring karahasan sa Russia.

Nauna rito ay napatay din ang journalist at war zone veteran na si Brent Renaud matapos na mabaril ng sundalo ng Russia sa isang checkpoint sa Irpin.