-- Advertisements --

Nakapulong ni US Secretary of State Antony Blinken si Saudi Crown Prince Mohammed bin Salman.

Nasa Riyadh, Saudi Arabia si Blinken para sa panibagong pagsulong nito ng tigil putukan sa pagitan ng Israel at Hamas.

Kasama rin na tinalakay ng dalawa ang diplomasyang maaring ipatupad sa pagitan ng Israel at Hezbollah sa Lebanon.

Matapos ang Saudi Arabia ay susunod na magtutungo si Blinken sa Qatar at sa United Kingdom para sa ilan pang mga pagpupulong.

Mas pinaigting kasi ng US ang pagsusulong ceasefire ganun din ang pagpapalaya sa mga bihag ng dalawang panig.