-- Advertisements --

Tinalakay ng mga mataas na opisyal ng US at Jordan ang pagpapakalma ng tensiyon sa Middle East.

Nakausap ni US Secretary of State Antony Blinken si Foreign minister Ayman Safadi ng Jordan para sa pagpapatuloy ng ceasefire deal sa pagitan ng Hamas at Israel.

Sinabi Blinken na mahalaga ang agarang pagpapatupad ng ceasefire deal at marapat na wala ng bansa ang makikialam para masira pa ang nasabing kasunduan.

Sa panig naman ni Safadi na dapat ay itigil na agad ng Israel ang kaniyang pag-atake sa Gaza.

Magugunitang isinusulong ng US, Egypt at Qatar ang ceasefire deal sa pagitang ng Hamas at Israel.