-- Advertisements --
Nakipagpulong si Secretary of State Tony Blinken kay French Foreign Minister Jean-Yves Le Drian at French President Emmanuel Macron sa Paris.
Kasunod ito sa naging tension sa dalawang bansa matapos na ikinagalit ng France ang pag-alok ng US sa Australia ng nuclear capable submarine.
Ayon sa senior official ng State Department na naging mabunga ang pag-uusap kung saan nangako ang dalawang bansa na magtulungan.
Ang nasabing pagpupulong ay bilang pagsisismula lamang dahil nakatakdang magpulong ng personal sina US President Joe Biden at French President Emmanuel Macron.