-- Advertisements --
Kinausap ni US Secretary of State Antony Blinken si Iraqi Prime Minister Mohammed Shia al-Sudani na hindi na dapat ito makisawsaw sa giyera ng Israel sa Iran at Lebanon.
Sinabi nito na mahalaga na hindi na papasok ang Iraq para mapabilis na matapos ang kaguluhan sa rehiyon.
Nanawagan din ito sa Iraq na kung maaari ay protektahan ang mga sundalo ng US na nakalataga ngayon sa kanilang bansa.
Magugunitang inako ng Islamic Resistance group sa Iraq na isang samahan ng pro-Iran armed groups ang naganap na drone attacks sa ‘vital targets’ sa southern Israel.