-- Advertisements --

Dumating na sa Qatar si US Secretary of State Blinken para ipagpatuloy ang pag-uusap ukol sa ceasefire deal sa Gaza.

Una ng nakapulong ni Blinken si President el-Sisi sa Cairo, Egypt.

Kabilang kasi ang US, Egypt at Qatar na tumatayong mediator para magkaroon ng ceasefire sa pagitan ng Israel at Hamas.

Magugunitang una ng bumisita si Blinken sa Israel at nakausap niya si Prime Minister Benjamin Netanyahu.

Sa nasabing pag-uusap ay may nakita si Blinken na malaking tsansa na maipatupad na ang ceasefire deal.

Nilalaman ng ceasefire ang pagpapalaya sa mga bihag at ang tuluyang paglayas ng mga Israel forces sa Gaza.