-- Advertisements --
Pinuri naman ni US Secretary of State Antony Blinken ang desisyon ni South Korean President Yoon Suk Yeol na agad na bawiin ang Martial Law.
Sinabi nito na marapat na idaan sa mapayapang pag-uusap ang anumang hindi pagkakaunawaan sa mga mambabatas.
Bilang isang kaalyadong bansa ng US ang South Korea ay kanilang nirerespeto ang anumang desisyon na ipapatupad ng lider nito.
Mula pa sa mga nagdaang dekada ay mayroong matinding kuwento ang South Korea na dapat talaga ay hangaan.