-- Advertisements --
LEGAZPI CITY — Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang posibleng pinagmulan ng narekober na isang bloke ng pinaniniwalang iligal na droga sa Minaulang Palay Shore, Brgy. Calanaga, Rapu-Rapu, Albay.
Nakuha ng mga mangingisdang sina Adonis Bellen, 59, at Alvin Bellen, 35, na residente ng Barangay Nagcalsot ng parehong bayan ang nasabing droga sa mabatong baybayin ng lugar.
Ayon sa Rapu-Rapu Municipal Police, ang mga opisyal ng Barangay Calanaga ang naghatid ng bloke matapos ipaalam ng mga mangingisda.
Tinataya namang aabot sa isang kilo ang timbang ng suspected drugs na dadalhin na sa regional crime laboratory office para sa eksaminasyon.
Sa ngayon patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang insidente.