BUTUAN CITY – Binigyan ng papuri ni Police Regional Office o PRO-13 director Police Brigadier General KIRBY JOHN B KRAFT ang dalawang mangingisda na nag-report sa bloke ng suspected cocaine na nagkakahala sa 5.3 Million pesos na kanilang natagpuan sa karagatang sakop sa Tandag City, Surigao del Sur.
Nakilala ang mga mangingisda na sina Junjie M. Villaver, 36-anyos at Paciano P. Villalba, 28-anyos na parehong residente sa Brgy. Bongtud, Tandag City.
Ayon sa imbestigasyon, nadiskubre ng mga ito ang bloke sa pinaniniwalaang cocaine na aabot sa isang kilo ang bigat pasado alas 10:00 ng umaga sa unang araw sa Marso habang sila ay nangisda sa Barangay Bongtud sakop sa nasabing lugar.
Kaagad itong ipinaabot sa Tandag City Police Station.
Si Hon. Alexander Pimentel, Governor sa Surigao del Sur ay nagbigay rin ng cash reward at tig-iisang sako ng bigas sa dalawang mangingisda.
Ang narekober na gitoohang cocaine ay nasa kustudiya na sa Surigao del Sur Police Provincial Office – Provincial Drug Enforcement Unit para sa tamang disposasyon at isailalim sa eksaminasyon ng Regional Forensic Unit 13.