VIGAN CITY – Nahigitan ng mga nakilahok sa Dugong Bombo New Normal Bloodletting Activity sa bayan ng Banayoyo ang kanilang rekord noong 2020.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Mayor Virgilio Galangga, lubos ang pasasalamat nito sa mga residente ng kanyang nasasakopan na nakibahagi sa blood letting acitvity ganun na rin sa napakagandang programa ng Bombo Radyo Philippines.
Aniya, ang nasabing aktibidad ay isang paraan upang matulungan ang mga tao sa kanilang pangangailangan ng dugo.
Noong isang taon ng isagawa ang nasabing aktibidad sa nasabing bayan at 92 ang naging matagumbay na blood donors ngunit ngayong taon ay nadagdagan ito.
Kabuuang 101 successful blood donors ang nakibahagi sa Dugong Bombo New Normal Blood Letting Activity sa nasabing bayan.