Causeway Bay Redcross Blood Transfussion Center – Pinangunahan ng Club President na si Marlon De Guzman ng Bagong Bayani Hong Kong Executive Eagles Club ng NCR X ng The Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles Inc. sa Hong Kong ang Launching ng Bloodletting Dugong Agila, Dugong Pag Asa na inilunsad sa Plipinas sa April 6, 2024 sa buong bansa.
Layunin ng Philippine Eagles sa Pilipinas na makapagbigay ng Dugo sa mga kababayan natin na nasa delikadong hanapbuhay o high risk jobs lalo na mga kasundalohan at kapulisan pati na din sa mga may karamdaman na mas higit na nagangailangan ng dugo o indigent community.
Ang mga aplikante at membro ng Bagong Bayani Hong Hong Executive Eagles Club ay nag deklara ng Humanitarian Service ay pagtugon sa panawagan ng kanilang Eagle National President Ronald Delo Santos bilang nagkaka isang Agila at pagpapakita ng iisang adhikain ng Agila sa buong mundo at ito ay ang PAGLILINGKOD SA SANGKATAUHAN SA PAMAMAGITAN NG PNALAKAS NA KAPATIRAN.
Sa Hong Kong ang pagbibigay ng Blood Donations sa mga Blood Transfussion Center ay regular na ginagawa ng mga kababayan natin OFW helpers and drivers. Dahil higit sa nakakaganda ito sa katawan ng bawat tao ay nakakapagligtas din ito ng buhay ng kapwa tao lalo na sa mga kababayan nating dumaranas ng karamdaman.