-- Advertisements --

Pinangunahan na naman ng grupong Alpha Phi Omega, Philipppines Incorporated na naka base sa Pangasinan o ang APO-PALAS (Alpha Phi Omega-Pangasinan Alumni Association) ang Bloodletting Activity na ginanap sa Philippine Red Cross, Dagupan City nitong August 15, 2020 sa pakikipag-ugnayan kay Mrs Floramie Magalong ang head ng Dagupan Redcross.

APO
APO blood-letting

Ayon kay Bombo International correspondent Mar De Guzman na naka base sa Hong Kong na isa ding miyembro ng APO ay hindi mapipigilan ng Pandemyang COVID19 ang kanilang sinumpaang serbisyo sa sangkatauhan.

Ang bloodletting activity ay ginagawa ng mga APO sa buong mundo, saan mang bansa sila nakatira o nagta~trabaho at tinatawag nilang SERVICE TO THE NATION AS FULLY PARTICIPATING CITIZEN.

Dinaluhan ng mga APO-Pangasinan na pinangunahan ni Atty. Mageiryl Shay B. De Guzman ng Alpha Pi Chapter, Honorable Presiding Judge Rusty Naya ng Alpha Gamma Chapter at Former APO-Philippines National President ROEL “Daboy” Fernandez ng Alpha Gamma Chapter na parehong taga-Pangasinan.

Magugunita na ang APO ay isang International at National Service Fraternity and Sorority na may adhikain na makapag lingkod sa sangkatauhan sa ibat ibang sektor ng lipunan sa pamamagitan ng Service to the student body, Service to the community, Service to the fraternity and sorority and Service to the nation as fully participating citizen.

Ito ay itinatag noong December 16, 1925 sa Easton, Pennsylvania USA at naitatag dito sa Pilipinas nong March 2, 1950 sa Manila.

Ang nangyaring bloodletting ay ginawa para gunitain muli ang pagtatag ng APO sa University of Luzon, Dagupan City o ang Alpha Pi Chapter noong August 16, 1969.

Pagkatapos ng bloodletting activity ay nagsalo-salo ang mga Brods and Sis ng APO para sa isang traditional fellowship gatherings para pag usapan muli ang susunod na proyekto sa residente ni Police Master Sargeant Ernesto Palaganas ng PNP-Malasique na isa ding membro ng APO.