Tumaas ang blood pressure ng convicted na negosyanteng si Cedric Lee habang nasa kustodiya ng National Bureau of Investigation.
Kinumpirma ito ni NBI Public Information Office chief Nick Suarez nitong Biyernes.
Sa isinagawa ngang pagsusuri kay Lee hapon ng Biyernes, umakyat sa 180/100 ang kaniyang blood pressure.
Ayon kay Suarez, kailangan sumailalim ni Lee sa regular check-ups ng mga doktor ng NBI para masigurong maayos ang kaniyang kalusugan kapag iniharap ito sa Korte.
Nakatakda ngang iharap ng NBI si Lee sa Taguig court na siyang magbibigay ng commitment order para i-turn over ito sa Bureau of Corrections.
Matatandaan na sumuko si Lee gabi ng Huwebes matapos na mahatulang guilty ng Taguig Regional Trial Court sa kasong serious illegal detention for ransom na isinampa ng TV host comedian na si Vhong Navarro.
Samantala, ang iba pang mga kasama ni Lee na na-convict din sa parehong kaso na sina Simeon Palma Raz at modelong si Deniece Cornejo ay nasa kustodiya ng Reception and Diagnostic Center bilang paghahanda sa paglipat sa kanila sa magkakahiwalay na pasilidad ng BuCor