Pinaghahanap na sa India ang ilang grupo ng mga unggoy matapos na nakawin ang mga blood samples ng mga pasyente na positibo sa coronavirus.
Ayon kay Lala Lajpat Rai Memorial Medical College and Hospital medical superintendent Dr. Dheeraj Baliyan, habang naglalakad ang kanilang lab assistant na nagtatrabaho sa COVID-19 facility at may dalang mga blood samples na para sana sa pagsusuri.
Agad itong inatake ng mga unggoy ay kinuha ang sample box na may laman na tatlong samples.
Ang nasabing mga sample ay mga blood samples at hindi mga swabs na galing sa mga tao na nagpositibo sa coronavirus.
Umakyat sa puno ang mga unggoy at tinapon rin matapos nguyain ang pinaglagyan.
Nilinaw naman ng mga otoridad na walang na nakahawak sa mga samples at mabilis din nilang nilinisan ang kapaligiran.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang district administration dahil sa sinasabing kapabayaan na ginawa ng mga hospital authorities.