Nagpapatuloy ngayon ang “Dugong Bombo…A Little Pain…A life to Gain” upang makalikom ng dugo mula sa mga mapagmalasakit na nais maging blood donor para mailaan ito sa mga nangangailangan.
Isinasagawa ang naturang aktibidad sa 24 key areas nationwide, kung saan may presensya ng Bombo Radyo Philippines, sa pamamagitan ng 31 Bombo Radyo at Star FM stations.
As of 12 noon ngayong araw, nasa mahigit walong drums na ng mga dugo mula sa mga bayaning volunteers ang natipon.
Alinsunod sa pananaw ni Dr. Rogelio M. Florete, chairman of the board ng Bombo Radyo Philippines, hangad ng programa na mapukaw ang kamalayan ng mga mamamayang Filipino ukol sa kahalagahan ng pagdo-donate ng dugo.
Ang Dugong Bombo na taunang kinikilala ng Philippine Red Cross (PRC) bilang pinakamalaking blood-letting program at pinakamadugo ay ginaganap ng sabay-sabay sa loob ng isang araw.
Ang Dugong Bombo na kabilang sa mga corporate social responsibility ng Newtork ay hangad na mapunan ang kinakailangang blood supply ngayong panahon ito.
Ang donasyong dugo na malilikom sa proyektong ito ay ilalaan para sa mga biktima ng dengue, kidney failures, biktima ng sari-saring kalamidad at maging sa emergency blood transfusion at procedures sa mga pagamutan.