-- Advertisements --

VIGAN CITY – Inaasahang magiging matagumpay ngayon ang maisasagawang Dugong Bombo Blood Letting Activity ng Bombo Radyo Vigan sa bayan ng Santa, Ilocos Sur bilang bahagi pa rin ng New Normal Dugong Bombo ngayong panahon ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Kamakailan lamang ay mayroong 135 na kabuuang bilang ng mga successful donors na sumuporta sa bayan ng Galimuyod kung saan huling isinagawa ang blood letting activity.

Malaki ang tiwala ni Santa Mayor Jesus Popoy Bueno na maraming dadalo sa nasabing aktibidad dahil marami umano sa kanyang mga kababayan ang nagnanais na makatulong sa kanilang kapwa sa pamamagitan ng pagdodonate na kanilang dugo.

Sa ngayon ay aabot na sa 598 ang successful blood donors sa limang bayan na una nang naging venue sa mga naisagawang Dugong Bombo 2020.