-- Advertisements --

VIGAN CITY – Mayroong 48 sa kabuuan ang bilang ng mga successful blood donors sa katatapos na Dugong Bombo Blood Letting Activity Covid19 Edition na isinagawa sa Vigan City Culture and Trade Center sa syudad ng Vigan.

Ang nasabing aktibidad ay sa pamamagitan ng pagtutulongan ng Ilocos Sur Provincial Health Office, Ilocos Sur Blood Bank at ng Bombo Radyo Vigan.

Hindi lamang mga residente sa syudad ang nag-donate ng kanilang dugo dahil maging ang mga residente sa karatig na bayan kagaya na lamang ng Magsingal, San Juan, at Sta. Catalina ay nakibahagi rin sa nasabing aktibidad dahil sa kagustuhang makatulong sa mga nangangailangan ng dugo.

Sa June 30 naman, huling schedule nitong buwan para sa blood letting activity ay idadaraos naman ang blood donation sa bayan ng San Esteban.