-- Advertisements --

Magbibigay ng $100 million bilang donasyon si dating New York City Mayor at billionaire Michael Bloomberg para kay Democrats presidentiable Joe Biden.

Sinabi nito na ang nasabing donasyon ay kaniyang ginawa para tuluyang matalo ni Biden si US President Donald Trump sa pagkapangulo partikular na sa Florida.

Nagiging mahigpit kasi ang labanan ng dalawa sa Florida.

Ipinagmalaki pa nito na dahil sa ginawa nito ay mapipilitan ang Republican na gumastos sa kanilang limitadong pondo.

Magsasagawa kasi ng mail-in voting ang mga taga Florida ngayong buwan.