Nanindigan ang MalacaƱang na hindi Pilipinas ang pinakamahina sa buong mundo kung COVID-19 resilience o katatagan sa pandemic ang pag-uusapan.
Magugunitang batay sa Bloomberg report, panghuli ang Pilipinas sa sinurvey ng 53 bansa kaugnay sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, 194 bansa sa buong mundo kaya hindi Pilipinas ang panghuli sa mundo kundi sa mga sinurvey lamang.
Pero aminado si Sec. Roque na labis na nakaapekto sa economic resilience ng bansa sa gitna ng pandemya ang mga ipinairal na quarantine restrictions kabilang na ang mga lockdowns sa hangaring mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Inihayag din ni Sec. Roque na inasahan na nila ang Bloomberg matapos ipitin ng mga mayayamang bansa ang supply ng COVID-19 vaccines.
“May 194 countries po sa mundo, 53 lang ang sinurvey. Hindi tayo huli sa buong mundo, huli lang tayo sa mga pinag-aralan,” ani Sec. Roque. “Where we can agree is it was a test of economic resiliency, so everytime there is lockdown and our economy closes, nawawala ang resilience.”