Nananatili pa ring nakataas ang blue alert status sa Calabarzon (R-IV A) matapos ang panibagong pag-alburuto ng bulkang Taal.
Sa ilalim ng blue alert, mas madalas ang koordinasyon sa pagitan ng mga ahensiya ng pamahalaan at mga lokal na pamahalaan, may naka-deploy na karagdagang mga personnel, dagdag na manpower sa mga emergency operations center, at bukas ang mga asset ng pamahalaan para sa anumang emergency deployment.
Kahapon, ay naitala ang phreatomagmatic eruption ng bulkan at patuloy itong binabantayan ng Office of Civil Defense (OCD).
Kabilang sa mga lugar na binabantayan ng ahensiya ay ang mga bayan na nakapalibot sa Taal volcano katulad ng Agoncillo, San Nicolas, Laurel, Talisay, at Balete.
Samantala, batay sa report ng Philippine Institure of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Taal Volcano Observatory, hindi naman gaanong nagdulot ng mapaminsalang impact ang nangyaring pagputok.
Gayonpaman, pinag-iingat pa rin ang mga residente at pinapayuhan ang mga ito protektahan ang kanilang kalusugan laban sa mapaminsalang epekto ng asupre na ibinubuga ng naturang bulkan.