Naibenta sa mahigit na $1.3 milyon ang isang bluefin tuna kasing laki ng isang motorsiklo.
Ito na ang pangalawang pinakamahal na nabili sa taunang auction na ginaganap nsa Toyusu Fish Market sa Tokyo, Japan.
Ayon sa Onodera Group ang nagwagi sa bidding na ang isda ay may timbang na 276 kilos.
Kanila itong iluluto sa Ginza Onodera restuarants at maging sa Nadaman restaurants sa buong Japan.
Nahuli ang nasabing isda sa Aomori region sa northern Japan.
Sa loob ng limang taon ay sila lagi ang nakakabili ng mga mamahaling tuna.
Taong 1999 ng maitala ang pinakamahal na auction sa isang bluefin tuna na may timbang na 278 kilos at nabili sa halagang 333.6 milyon yen nabili ito ni Kiyoshi Kimura ang tinaguriang Tuna King at sushi restaurant owner sa Japan.