-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nanguna si Cotabato Ist District Board Member Rosalie “Rose” Cabaya sa pinaigting na kampanya kontra Coronavirus Disease (COVID-19).

Mismong si Cabaya ang gumawa ng hand sanitizer na pinamimigay nito sa mga frontliners, ospital at mga residente sa unang distrito sa probinsiya ng Cotabato katuwang ang mister nito na si dating Board Member Loreto “Nonoy” Vargas Cabaya.

Una nang namahagi ng karneng baboy, manok at hygiene kits sa mga frontliners si Cotabato Vice-Governor Emmylou ”Lala” Mendoza katuwang mag-asawang Cabaya.

Ayon kay Cabaya na panahon ngayon ng pagkakaisa, kalimutan ang hidwaan sa politika at labanan ang nakakahawang sakit.

Nanawagan naman si dating BM Nonoy Cabaya sa taumbayan na sundin ang mga umiiral na alituntunin kontra COVID-19 kagaya ng social distancing, paggamit ng facemask, paghuhugas ng kamay, stay at home at iba pa.

Sa ngayon ay pinalakas pa ng mga pulis, sundalo, BFP at ibang frontliners ang pagbabantay sa mga entry at exit points sa North Cotabato kontra COVID-19.