-- Advertisements --

Pormal ng bumaba bilang head coach ng University of the Philippines men’s basketbal team si Bo Perasol.

Sinabi nito na maglalabas din ng pormal na pahayag ang UP at team management sa kaniyang pag-alis bilang head coach.

Naging coach si Perasol sa UP Maroons noong 2016 matapos ang pagiging coach ng Ateneo de Manila University Blue Eagles.

Dinala nito ang Maroons na makapasok sa finals noong Season 81.