-- Advertisements --

NAGA CITY – Inireklamo ng isang dating kapitan ang incumbent board member sa lalawigan ng Camarines Sur dahil sa umano’y pangha-harass nito sa kanyang mismong tahanan sa Barangay Punong, Magarao, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay dating Kapitan Bobby Abad, sinabi nitong makailang ulit na nagpabalik-balik sa kanyang bahay si Board Member Nelson Julia kasama ang kanyang mga alalay at hinahanap siya.

Nang hindi aniya siya mahanap ng mga ito, binalingan na lamang ng opisyal ang tulay malapit sa kanyang bahay.

Pinaniniwalaan din ni Abad na si Julia ang nagpaputok ng baril sa lugar.

Sa kabilang dako, mahigpit namang pinabulaanan ni Julia ang naturang mga paratang laban sa kanya.

Ayon kay Julia, nandoon aniya sya sa lugar para tumulong sa paglilinis ng mga natitirang election paraphernalia ngunit hindi siya nangharass at isang paninira lamang aniya ito.