-- Advertisements --
ROXAS CITY – Wala nang buhay at nasa advanced state of decomposition na ng matagpuan ang bangkay ni Ricky Boy Barredo 23-anyos, boat captain ng FB Prince Jay matapos tamaan ng kidlat habang nasa laut at nangngingisda.
Sa panayam kay May Necesario, Barangay Secretary ng Barangay Culasi, Roxas City sinabi nitong natagpuan ang bangkay ng biktima sa gilid ng baybayin sa Sitio Pook, Barangay Culasi, Roxas City.
Nakita ang pantal pantal na sugat at pamamaga sa katawan ng biktima sanhi ng pagkakabilad nito sa araw matapos malunod sa dagat.
Samantala, umapela ang pamilya ni Barredo sa City Disaster Risk Reduction and Management Office na maihimlay ng dalawang araw sa kanilang bahay ang bangkay ni Barredo para kahit sandali ay makapiling nila ito.