-- Advertisements --

Hindi na nagdalawang isip pa si dating Beermen import Bennie Boatwright sa pagsasailalim nito ng naturalization para sa Gilas Pilipinas.

Mula kasi ng maging import ito ng Beermen noong magkampeon sila sa Commissioner’s Cup ng Beermen ay nagkainterest si Gilas Pilipinas coach Tim Cone na kunin siya.

Dagdag pa ng 6-foot-10 player na nagsimula na ang naturalizatio process nitong Huwebes.

Naglabas din ito ng kasabikan na makapaglaro sa ilalim ni Cone kung saan handa niyang ibigay ang makakakaya para magkampeon ang Pilipinas sa mga torneo.