-- Advertisements --

Mariing kinondena ni Top Rank big boss Bob Arum ang kinalabasan ng scoring nitong nakalipas na Linggo kung saan na-upset si Vasiliy Lomachenko ni Teofimo Lopez sa kanilang 135-pound title unification sa Las vegas.

Una rito sa unanimous decision nagbigay si judge Tim Cheatham pabor kay Lopez sa score na 116-112, si Julie Lederman ay 119-109 at si Steve Weisfeld ay merong 117-111 sa card.

Aminado naman si Arum na panalo nga si Lopez pero mistula naman daw na “bulag” si Lederman na labis naman daw ang ibinigay na score kay Lopez.

Tinawag naman ni Arum na mga “crazy” ang naturang mga boxing judges.

Una nang naidagdag sa IBF crown ni Lopez ang WBA “super,” WBC at WBO lightweight titles na hawak ni Lomachenko.