-- Advertisements --

Nakahanap ng solusyon ngayon si Top Rank chief Bob Arum para sa pagsasagawa ng boxing sa panahon ng coronavirus pandemic.

Isang nakitang lugar ni Arum ay ang pagsasagawa ng boxing event sa Florida.

Pinayagan kasi ni Florida Governor Ron DeSantis ang pagbubukas na ng WWE at itinuturing na ito bilang “essential business”.

Sinabi ni Arum na makikipag-ugnayan na sila sa WWE para doon isagawa ang ibang mga boxing match.