-- Advertisements --

Mariing pinabulaanan ni US singer-songwriter Bob Dylan na may inabuso na menor-de-edad.

Kasunod ito sa paglantad ng isang babae na ito ay inabuso ng singer noong ito ay 12-anyos pa lamang.

Kuwento ng biktima na nangyari ang panggagahasa sa apartment ng singer sa Chelsea Hotel sa New York.

Ang biktima na ngayon ay 68-anyos ay nakatira na sa Connecticut at kaya lamang aniya lumabas dahil nakaranas ito ng psychological damage at emotional trauma.

Si Dylan o Robert Allen Zimmerman ay Nobel-Prize winner na 80-anyos na ngayon ay nahaharap na ng reklamong assault, battery, false imprisonment at infliction of emotional distress.

Sa loob ng anim na dekada ay mahigit 125 milyon na album ang kaniyang naibenta sa buong mundo.

Ilan sa mga pinasikat nitong kanta ay ang “Blowin’ In The Wind”, “The Times They Are-a-Changin” at maraming iba pa.

Taong 2016 ng mabigyan ng Grammy at Oscar-winner ng Nobel Prize in Literature na siyang unang songwriter na nanalo ng prestisyosong award.

Nabigyan rin siya ng Presidential Medal of Freedom noong 2012 ni dating Pangulong Barack Obama.