-- Advertisements --
Inanunsyo ngayon ni Fil-Am Bobby Ray Parks Jr. na opisyal na itong bahagi ng Blackwater.
Sa kanyang Twitter account, ibinunyag ni Parks na nalagdaan na ang kanyang kontrata sa Elite.
Kasama ni Parks sa pagpirma ng kontrata ang kanyang agent na si Charlie Dy, at si Elite governor Silliman Sy.
Pumayag ang 6-foot-2 second-generation star sa isang one-year, P2-million deal ay may opsyon para sa isang renewal sa pagtatapos ng kasalukuyang season.
Bagama’t second overall sa 2018 PBA Draft, iginugol ni Parks ang tatlong taon sa pagiging bahagi ng San Miguel Alab Pilipinas sa 2019 ASEAN Basketball League.
Inaasahan namang dadalo na ito sa ensayo ng koponan sa Miyerkules.