-- Advertisements --
Nagkasundo ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) at Bureau of Customs (BOC) na dagdagan ang kaayusan ng sistema sa delivery service sa bansa, lalo na ang mga dumarating na cargo sa pier.
Kabilang sa mga humarap para sa PHLPost delegation sina Assistant Postmaster General Atty. Lee Viceral at Acting Manager Antonio Oseo.
Sumentro ang pag-uusap sa streamlining procedures para mapabuti pa ang pagganap nila sa mga tungkulin ng paghahatid ng bagahe at maiwasan ang mga aberya sa operasyon ng postal at customs services.
Nangako naman sina District Collector Atty. Yasmin Mapa na aayusin pa ang mga pinapa-iral na sistema, kabuuan ng operasyon at iba pa na angkop sa direktiba ni BOC Commissioner Bienvenido Rubio.