-- Advertisements --

Hihintay na ng Bureau of Customs (BOC) ang mga dokumento ng may-ari ng mga luxury cars na kanilang umanoy ipinuslit sa bansa.

Ayon sa BOC na kanilang binigyang ng pagkakataon ang mga may-ari ng mahigit na 30 mga mamamahaling sasakyan na magpakita ng mga legal na dokumento.

Magugunitang nilusob ng BOC-Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ang dalawang bodega sa lungsod ng Pasay at Paranaque kung saan tumambad sa kanila ang mga mamahaling sasakayan na tinatayang aabot sa kabuuang P1.4-bilyon.

Sinabi pa ni BOC CIIS Port of Manila Chief Joel Pinawin na kanilang may ilang dayuhan ang kanilang naabutan kung saan ang ilang mga nasabing sasakyan ay mayroong plaka habang ang iba ay wala.

Tiniyak naman ni BOC Commissioner Bienvenido Rubio na kapag hindi nakapagbigay ng mga dokumento ng hanggang 15 araw ang mga may-ari ay mahaharap ang mga ito ng kaukulang kaso at kanlang kukumpiskahin ang nasabing mga sasakyan.