-- Advertisements --
Ikinatuwa ng Bureau of Customs (BOC) ang pagtaas ng collection sa unang buwan ng taong 2025.
Ayon sa BOC na mayroong P79.343 bilyon ang kanilang revenue collection nitong Enero.
Ang nasabing halaga ay mas mataas sa target nilang P78.015 bilyon o 1.70 percent na mas mataas sa monthly target collection.
Mas mataas din ito ng 8.10 percent kumpara noong Enero 2024 na mayroong P73.397 bilyon ang nakulekta.
Ilan sa mga susi dito ay ang paghihigpit nila sa border security at ang pinalakas na pagkulekta ng buwis sa mga produkto.