Mayroong nakumpiska ang Bureau of Customs ng kabuuang P72.091 bilyon halaga ng mga smuggled goods mula Enero hanggang Oktubre 2024.
Ayon sa BOC na ang nasabing halaga ay nahigitan nila ang halaga noong 2023 na mayroon lamang na P43.29 -B.
Ang nasabing mga counterfeit na mga produkto na kanilang nakumpiska noong Oktubre ay binubuo ng P2.3 bilyon na halaga ng mga iba’t-ibang produkto, P22.3 milyon na halaga na mga sigarilyo, P323-M na halaga ng mga bigas at mga sasakyang pandagat na may kargang mga produktong petrolyo.
Mayroong P42.16 milyon din na halaga ng iligal na droga ang nasabat sa Ninoy Aquino International Airport.
Ipinagmalaki pa ni BOC Commissioner Bien Rubio , na ang nasabing akomplishment nila sa loob ng 10 buwan ay isang record-breaking.