Ipinagmalaki ng Bureau of Customs (BOC) na umabot na sa mahigit P5-bilyon na halaga ng mga ilgal na vape products ang kanilang nakumpiska ngayong taon.
Ang nasabing halaga ay resulta ng pinaigiting na kampanya nila laban sa mga iligal vape products sa bansa.
Noong Abril ay kanilang sinira ang nasa 14,100 na kahon ng mga vape products na nagkakahalaga ng P1.5 bilyon na kanilang nakumpiska sa lungsod ng Valenzuela noon pang Oktubre 2023.
Habang nitong Agosto ay mayroong 28,200 na mga kahon ng mga vape products ang kanilang sinira.
Tuloy-tuloy ang kanilang ginagawang pagbabantay para ipatupad ang Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act and the Customs Modernization and Tariff Act.
Katuwang din nila ang Bureau of Internal Reveneu (BIR) at Department of Trade and Industry (DTI) sa nasabing operasyon.