-- Advertisements --

Nakakulekta ng aabot sa P14.3 bilyon ang Bureau of Customs (BOC) mula sa Enero hanggang Oktubre 1, sa taong kasalukuyan.

Nagmula ang nasabing halaga sa buwis ng 2.17 milyon metric tons (MT) ng bigas na pumasok sa bansa mula Enero hanggang Oktubre 8, 2021.

Sinabi ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero, na tumaas ng 3.2 percent kumpara sa P13.84 bilyon sa parehas na buwan noong nakaraang taon.

Ang mga import duties na nakukulekta sa mga bigas na galing sa ibang bansa mula Marso 5, 2019 ay napupunta sa taunang P10-bilyon Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) na nakasaad sa Republic Act (RA) 11203 o Rice Tariffication Law.

Ginagamit ang RCEF para sa pagpondo para mapalalakas ang benta ng mga palay growers sa bansa at mabigyan ng fertilizers, makinarya at kagamitan at mga palay.

Inilaan din ito para sa mga traninng programs sa farm mechanization at makabagong farming techniques.