-- Advertisements --
Nasampahan na ng Bureau of Customs ang tatlong rice importers na may kinalaman sa bodega ng bigas na kanilang sinalakay.
Bukod sa apat na smuggling complaints ay mayroong tatlong kaso ng economic sabotage habang ang isa ay ang paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act sa ilalim ng agricultural product smuggling.
Magugunitang noong Agosto ay sinalakay ng BOC ang nasabing bodega sa Bulacan at nakia dito ang ilang sako ng mga imported rice.
Inaayos na rin ng ahensiya ang pagsampa ng kaso sa mga smugglers sa Zamboanga City na sinalakay nila noong nakaraang mga linggo.