-- Advertisements --

Walang patid ang Bureau of Customs sa pagsasagawa ng operasyon laban sa mga smuggled luxury vehicles sa bansa.

Kaugnay nito ay aabot sa mahigit P900 million ang halaga ng hinihinalang smuggled luxury car ang nasakote nito sa Lungsod ng Taguig.

Nanguna sa pagsasagawa ng operasyon ang Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port ng BOC.

Ayon sa ahensya, ang mga nasabing sasakyan ay sinasabing hindi nabayaran ang tamang buwis sa gobyerno.

Kabilang sa mga nakumpiskang sasakyan ay mga kilalang brand ng high end luxury vehicle.

Binalaan naman ang ahensya ang sinumang lalabag sa pagbabayad ng tamang buwis ang pagpapalusot ng mga smuggled vehicles na maaaring maharap sa kaukulang kaso.