-- Advertisements --
Mas pinalakas ngayon ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang adhikain tungkol sa knowledge management sa kanilang katatapos lang na seminar na nagumpisa noong Abril 2 hanggang Abril 3.
Layon kasi ng seminar na makpaghataid ng suporta sa liderato ng Pilipinas sa ASEAN Customs para isulong ang Strategic Plan of Customs Development o SPCD14 na siyang nakapokus sa talakayan ng knowledge management.
Tinalakay sa seminar ang mga paraan at stratehiya na maaaring magamit para sa pagpapalakas pa ng kaalaman at kakayahan sa proseso ng adwana.
Samantala, ayon kay BOC Commissioner Bienvenido Rubio, ang hakbangin ito ay bahagi ng mandato ng kanilang tanggapan na magbahagi ng mas malawak na kaalaman at patuloy na pag-unlad ng kanilang serbisyo.