-- Advertisements --

May Inilaan ang Bureau of Customs (BOC) na target collection ngayon taon na P1-trillion.

Ito ay matapos na mahigitan nila ang mahigit na P900 bilyon na revenue target noong nakaraang taon.

Ayon kay BOC assistant commissioner and spokesperson Atty. Vincent Philip Maronilla, hindi ito magiging problema kung patuloy na pag-iibayuhin nila ang kanilang revenue efficiency process.

Sa nasabing paraan aniya ay mabilis silang makakaenganyo ng mga mamumuhunan sa bansa.

Nagkaroon ng malaking tulong ang magandang kalakalan at ekonomiya sa mga pantalan ng Manila, Batangas, Cebu, Davao at Cagayan De Oro para malampasan ang collection target noong 2023.