Hinimok ni Iligan Rep. Frederick Siao ang Bureau of Customs (BOC) na i-review ang isa sa mga regulasyon nito na posibleng dahilang kung bakit hanggang sa ngayon ay nakakapasok pa rin sa bansa ang mga iligal na droga.
Sa ngayon, nakasaad sa Section 4.7 ng Customs Memorandum Order 18-2010, na kapag isinailalim na sa pre-shipment inspection ang mga kargamento, maari na itong i-release sa warehouse ng importer o consignee.
Posible aniya na inaabuso ng mga drug smugglers ang probosyon na ito at nakikipagsabwatan sa ilang opisyal o empleyado ng BOC upang sa gayon ay mabago ang dokumento ng kanikanilang mga imports.
Bukod sa pagpupuslit ng iligal na droga, nakikita rin ni Siao ang posibilidad na nagamit ang naturang probisyon kaya nakapasok sa bansa ang tone-toneladang basura mula South Korea.