Nagbabala ang Bureau of Customs (BOC) sa publiko laban sa pagbili ng mga locally-made na pekeng bakuna laban sa COVID-19.
“BOC warns the public to be careful when availing vaccines as fake vaccines may have severe health consequences to users as the composition of such vaccines are not tested and even worst fake vaccines may not be effective thus further exposing users to the dangers of Covid-19,” saad ng BOC sa isang pahayag.
Pinaigting na rin daw ng ahensya ang kanilang mga hakbang upang mas paghusayin pa ang border security laban sa pagpuslit ng mga iligal na bakuna, sa pakikipag-ugnayan sa mga law enforcement agencies tulad ng National Bureau of Investigation, Philippine Drug Enforcement Agency at Food and Drug Administration.
Nagresulta raw ito sa pagkadiskubre ng mga makeshift na clinic kamakailan na hinihinalang gumagamot sa mga COVID-19 patients at maaaring ginagamit din umanong daan para sa distribusyon ng mga pekeng bakuna.
Tiniyak din ng BOC na patuloy silang makikipagtulungan sa iba pang mga ahensya ng pamahalaan para masugpo ang paglaganap ng peke at kontrabandong mga bakuna.
Ang babalang ito ng BOC ay kasunod ng ibinahaging larawan sa social media ni Pasig City Mayor Vico Sotto kung saan makikita ang pekeng Pfizer vaccines.