-- Advertisements --

Nagpahayag ng buong suporta ang pamunuan ng Bureau of Customs sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jrna gawing 24/7 ang shipment process.

Ayon sa Pangulo, ang hakbang na ito ay makakatulong na mabilis na matugunan ang dumaraming mga import sa bansa.

Mapapabilis rin nito ang pagpoproseso at maging ang pagpapalabas ng mga kargamento partikular na sa mga port sa Pilipinas.

Naniniwala ang ahensya na magiging matagumpay lamang ito sa pakikipagtulungan ng mga pangunahing stakeholders.

Kabilang na rito ang mga shipping line, trucking industry at iba pa.

Mababawasan din nito ang bilang ng mga naaantalang kargamento sa mga pantalan.

Samantala, patuloy rin ang isinasagawang digitalization project upang maging madali ang kalakalan.

Tiniyak naman ng ahensya na sila ay nananatiling nakatuon sa kanilang misyon bilang pagtalima sa kautusan ng Punong Ehekutibo.