-- Advertisements --
Nakapagtala ng P375 million na kita ang Bureau of Customs (BOC) mula sa public auctions sa mga overstaying na mga containers sa iba’t ibang mga ports.
Ayon sa Bureau of Customs-Assessment and Operations Coordinating Group (AOCG), mayroong 1,317 ang kabuuang na-dispose na containers na katumbas ng 23% ng kabuuang inabandona o overstaying containers mula pa noong Enero.
Nanggaling ang mga ito sa pito sa 17 mga ports ng bansa.
Nakasaad kasi sa batas na ang overstaying cargoes ng mahigit 30 araw ay may karapatan ang BOC na i-dispose na ang mga ito.